Saturday, July 13, 2013

Tsansa

Tsansa
(Filipinized English Word)


Dilat na dilat dito sa aking nakikita,
Gulat na gulat, ano itong nadarama?
Magkahawak ang kamay at magkayakap pa,
Tila lubos at umaapaw ang nadaramang ligaya. 

Ngunit may bumanggang tanong sa 'king alaala,
Hindi naman tayo ganito noon nakaraan o makalawa, 
Sumulpot ng biglaan, parang umilaw na bumbilya,
Nagaalinlangan nasasaksiha'y mayroon bang mahika?

Subalit hindi na magtatanong at tila nabatid na,
Pagkakataon at oportunidad nadaan sa pagsamba,
Marahil wala na yatang mahihiling pa,
Pangarap na pagibig natupad na at di pwedeng ikumpara.

Magkayapos sa dalampasigan, oh anung saya?
Dinaig pa sa talilya anumang pelikula't kanta,
Halik na khai tamis Eto at paparating na,
Ngunit may umalingawngaw na boses doon banda...

(feat. Nanay: 'Gising na! Tanghali na!')
ang saya diba? naurong na ligaya...


Dumilat sa liwanag, katotohana'y bumungad na,
Sinalat ang mukha, kinuskos ang mata,
Gulat na gulat, napaisip nagnilay at natulala,
Dilat na dilat naranasa'y panaginip lang pala...

-orihinal na komposisyon-
May 30, 2013

Plot: yung tipong nananaginip ka na naman kasama ang iyong sinisinta hahaha
https://www.facebook.com/notes/resty-angelo-samson-cullado/tsansa/469327423145730

No comments:

Post a Comment