'Lesson #3'
Diba nga ako naman talaga?
Ang dapat sisihin at wala nang iba,
Dahil ako ang sadyang nauna,
Sa pagbalewala sa relasyon nating dalawa.
Kakaunting tampuhang napasama,
Nag-nit at biglang lumala,
Hindi alam kung sinong nagpabaya,
Sa pagsasama nagtaksil o nandaya.
Isang napakainit na debate,
Palitan ng mga pagalit na mensahe,
Sabihin na lahat at wala nang arte-arte,
Mga matitigas na damdamin parang dyamante.
Mga matagal nang kasalanang nakabaon,
Biglang naglabasan at nagsi-ahon,
Pagtatalong tila pagsabog ng mayon,
At parang bagong sugat na sinabon.
Mga gamit mong biglang ikinahon,
Na iyong dadalhin sa dako paruon.
Parehas matigas ang ulo,
Tila mga buwis buhay na sundalo,
Dahil sa sandaling iyon ay walang gusto,
Na magpakumbaba o tumanggap ng pagkatalo.
Lumipas ang oras at nahimasmasan,
Pangyayaring naganap ay pina alpasan.
Niyakap ka at niyapos nang mabilis,
At binulong na 'Huwag kang umalis',
Sapagkat di ko kailanman matiis,
Mawala sa piling at ika'y ma-miss.
Iyo sanang tanggapin,
Pagsisisi at mga dalangin,
Na hindi na muling pang uulitin,
Sa iyo ay maging bugnutin.
Hayaang magsibing takda,
Ang pangyayari at gawing akda,
Gamitin na parang isang pananda,
Sa pagsasamang aabot hangang pag-tanda.
*wag magpadala sa Init ng ulo
Ang dapat sisihin at wala nang iba,
Dahil ako ang sadyang nauna,
Sa pagbalewala sa relasyon nating dalawa.
Kakaunting tampuhang napasama,
Nag-nit at biglang lumala,
Hindi alam kung sinong nagpabaya,
Sa pagsasama nagtaksil o nandaya.
Isang napakainit na debate,
Palitan ng mga pagalit na mensahe,
Sabihin na lahat at wala nang arte-arte,
Mga matitigas na damdamin parang dyamante.
Mga matagal nang kasalanang nakabaon,
Biglang naglabasan at nagsi-ahon,
Pagtatalong tila pagsabog ng mayon,
At parang bagong sugat na sinabon.
Mga gamit mong biglang ikinahon,
Na iyong dadalhin sa dako paruon.
Parehas matigas ang ulo,
Tila mga buwis buhay na sundalo,
Dahil sa sandaling iyon ay walang gusto,
Na magpakumbaba o tumanggap ng pagkatalo.
Lumipas ang oras at nahimasmasan,
Pangyayaring naganap ay pina alpasan.
Niyakap ka at niyapos nang mabilis,
At binulong na 'Huwag kang umalis',
Sapagkat di ko kailanman matiis,
Mawala sa piling at ika'y ma-miss.
Iyo sanang tanggapin,
Pagsisisi at mga dalangin,
Na hindi na muling pang uulitin,
Sa iyo ay maging bugnutin.
Hayaang magsibing takda,
Ang pangyayari at gawing akda,
Gamitin na parang isang pananda,
Sa pagsasamang aabot hangang pag-tanda.
*wag magpadala sa Init ng ulo
No comments:
Post a Comment