Saturday, July 13, 2013

'KOKO'

'KOKO'

Kung mata sayo'y ibaling mapapansin kaya? 
O ililipat ang tingin at ikakaliwa.
Kung babatiin ba'y iyong iintindihin?
O di maalintala para bang malamig na hangin.

Kung magsusulat ba'y iyong makikita?
O ididispatsa lamang parang kumalat na tinta.
Kung may sasabihin ba'y iyong madirinig?
O isasarado ang tenga parang nakatikom na bibig.

Kung muling magkita'y iyo kayang mapansin?
O iyo nang ibabaling sakin ang tingin.
Kung iyong mabatid marahil ay mayroon nang karagdagan,
O sabihin na nating dagdag, tayo na'y magkaibigan.

June 01,2013

'MAGING'

Maging


Iyong kagandahan sakin ay bumaling,
Pag-ibig sa akin biglang dumating,
Mga mata mo'ng khai ningning,
Dulot sakin ay purong lambing. 

Hindi naman lasing, 
Ngunit ako'y napra-praning.
Pag iisip na tila balimbing,
Ang tanging magagawa nalang ay magpasaring.

Isusuot sa iyo ang mahiwagang sing-sing,
At doon tayo magsasaya sa piging,
Bubuo ng pamilya at malulusog na supling,
Pagibig na di kayang matibag hanggang libing.

Balang araw na sana'y dumating...

-original na komposisyon-
May 26, 2013
https://www.facebook.com/ReAnSaCu/posts/644312668915575

'BIYENAN'

BIYENAN

Kabado sa pagkatok sa inyong pintuan,
Huwag sanang lumamang sa'king inaasahan,
Matagal na pong isinip at pinagplanuhan,
Aking mga plano'y inyo po sanang pakinggan.

Magbibigay galang at magpapakila ng marahan,
Uupo ngunit Kabado parang di nag-agahan,
Bwe-bwelo at aaminin ang kasalanan,
Ang pag-ibig po sa inyong anak ng lubusan.

Nais ko po sana syang maging kasintahan,
Asahan na sya ay aking pagkaka-ingatan,
Pag-ibig sa inyong anak na walang hanggan,
Tagos at tila aabot hanggang kalawakan.

Paghingi ng kamay wag nyo po sanang tutula,
Aking pagkatao'y pwede ninyong subukan,
Papakasalan kahit saang simbahan,
Sa muling pagkikita'y isa na po tayong angkan.

-Orihinal na Komposisyon-
May 28, 2013

'ISNAYPER'

ISNAYPER

Dahil nuo'y excited ako pumasok araw-araw,
Nag aabang sa binta para lang ika'y matanaw,
Ang ganda na khai ganda pa sa umaga,
Walang good sa good morning kapag wala ka.

Dahil ang karikitan mo ay nag uumapaw,
Parang nescafe, sa iba'y nangingibabaw,
Kumbaga The beauty of your beans is so superb,
Pilit mang tapatan ng iba'y wagi parin, as you can observe.

Dahil nararamdaman ko kapag ika'y papasok na,
Sa gate ng school nagniningning' akala mo lampara,
Parang a princess that walks who wins a contest,
Gusto sana kitang escortan kaya lang ako'y nagte-test.

Dahil ako ay kape at Ikaw ang aking coffee mate,
Let me be' because my love for you is so intimate,
Legitimate at walang halong drawing o bola,
Walang halong latak at purong-puro parang minola.

Dahil kahit hindi nag agahan ito ay OK lang,
Hindi nakagawa ng assignment ito ay Ayos lang,
Pagalitan man ng teacher's ay Keri lang, it's a sleeping time,
Huwag lang ma-miss at hindi kita makita, it's a boring time.

Dahil kahit wala tayong compatibility in other words, Mapait'
Well so let love be sugar so it can be sweet.

June 09, 2013

'Green House'

Green House


You always taught me how to smile,
And even dough it's been a while,
Since we step on the same tile,
Dozens of student's and PC's where like a pile.

Honestly I don't wish for your reply,
All I want is to pass and You to acquire,
This message of love I can't deny,
Running fast and as long like the Nile.

I must be telling a lie,
If I tell my love for you isn't agile,
What I felt I think isn't juvenile,
That no one can ever defile.

This feeling for you is very fragile,
Stored in my heart secretly compile,
Can't be vanish by someone or exile,
Kept and saved at my Heart-Drive like a file.


Plot: sa isang computer shop unang nakita ang iniibig.

May 29, 2013
https://www.facebook.com/ReAnSaCu/posts/646097408737101

'Lesson #3'

'Lesson #3'


Diba nga ako naman talaga?
Ang dapat sisihin at wala nang iba,
Dahil ako ang sadyang nauna,
Sa pagbalewala sa relasyon nating dalawa.

Kakaunting tampuhang napasama,
Nag-nit at biglang lumala,
Hindi alam kung sinong nagpabaya,
Sa pagsasama nagtaksil o nandaya.

Isang napakainit na debate,
Palitan ng mga pagalit na mensahe,
Sabihin na lahat at wala nang arte-arte,
Mga matitigas na damdamin parang dyamante.

Mga matagal nang kasalanang nakabaon,
Biglang naglabasan at nagsi-ahon,
Pagtatalong tila pagsabog ng mayon,
At parang bagong sugat na sinabon.

Mga gamit mong biglang ikinahon,
Na iyong dadalhin sa dako paruon.

Parehas matigas ang ulo,
Tila mga buwis buhay na sundalo,
Dahil sa sandaling iyon ay walang gusto,
Na magpakumbaba o tumanggap ng pagkatalo.

Lumipas ang oras at nahimasmasan,
Pangyayaring naganap ay pina alpasan.

Niyakap ka at niyapos nang mabilis,
At binulong na 'Huwag kang umalis',
Sapagkat di ko kailanman matiis,
Mawala sa piling at ika'y ma-miss.

Iyo sanang tanggapin,
Pagsisisi at mga dalangin,
Na hindi na muling pang uulitin,
Sa iyo ay maging bugnutin.

Hayaang magsibing takda,
Ang pangyayari at gawing akda,
Gamitin na parang isang pananda,
Sa pagsasamang aabot hangang pag-tanda.

*wag magpadala sa Init ng ulo

Kailan Lounge

'Kailan Lounge'
Eraserheads Theme

pagpunta sa ALAPAAP we'll make it through,
HUWAG MO NANG ITANONG dahil it's for you,
sa pagibig kong mala-OVERDRIVE it's so true,
HUWAG KANG MATAKOT dahil i promise you.

kakantahin ano mang uri ng HARANA,
dadalhin ang mga KALIWETEng kabanda,
may regalong FRUITCAKE pang kasama,
gagawin upang maipabatid' PARA SA MASA.

dahil aking gagawin KAHIT ANO,
kumain o lumunok man ng BATO,
sumayaw man ng HULING EL BIMBO,
huwag lang sana mahiya't ma-TORPEDO.

KAILAN kaya maririnig ang mga ringing bells?
mabuti kayang humiling nalang sa WISHING WELLS.
dahil ganun parin SUNTOK SA BUWAN,
at tila ba layo mo'y LIGHT YEARS ang pagitan.

kaya PARE KO atin nang simulan,
TIKMAN mo na ang ginawang pulutan,
ALKOHOL na binili iyo nang buksan,
at sa TINDAHAN NI ALING NENA mag-inuman.

shout outs sa Eraserheads! All time Favorite! Saludo!

https://www.facebook.com/ReAnSaCu/posts/656710131009162